tabulas.com

April 29th, 2005

kapatid!!!

KAPATID,

Buhay ay kay saya kung nahanap mo na ang tunay na kahulugan ng buhay…….

Hindi pagtagas ng pawis sa aking katawan ang aking unang inintindi, hindi sakit ng katawan ang aking unang ininda, at hindi kulay ng aking balat na ngaingitim dahil sa sikat ng haring araw ang aking unang tiningan….. kundi ang mga naboung bahay, napapalit sa mga nawasak at na tabunan ng nag lalakihang bato at troso galing sa mga bundok , naboung communidad na nalumisan panandalian kasabay ang mga mamalakas na alon ng ilog, at na boung pangarap na naglaho at mistulang ibinaon na sa hukay na ngaun unti unting muli nila makakamit at umaasang makakatayo muli sa kaginhawaan………

Hinahamon ko kayo!!!! Hanapin ninyo ang tunay na kahulugan ng buhay……....

Hindi kailangan maging isang misyonaryung seminarista upang makamit ito….. kaya mo rin ito dahil ISA KANG TAO!!!….

Makibahagi. Umaksyon. Magtaya. Maghatak.

Makiisa sa GAWAD KALINGA……para sa BAYAN!!!!!!!

Nagmamahal sa mga nangangailangan,

Martin Ele
(0919) 8194718
cloud9142000@yahoo.com
Ace Ele
(0917)3908140
(02)4343281
ace_ele@yahoo.com
GAWAD KALINGA
TEAM GABALDON

Posted by martin_ele at 05:21 AM | 1 comments

April 20th, 2005

KAPATID...

Kapatid,

Mga tanong lang...

Ano ang tunay na kahulugan ng buhay?

Ano ang lubos na kasiyahan para sa inyo?

Ano ang ibig sabihin ng pagiging tao para sa kapwa?

Hanggang salita na lamang ba tayo?

Gusto kong imbitahan kayong lahat...

NOV-DEC. 2004...dumating ang apat ng bagyo. Ang

lugar ng Gabaldon, Nueva Ecija na napaliligiran ng mga

bundok ng Sierra Madre, ay nagmistulang isang baldeng

napuno ng tubig. Sunod-sunod ang mga bagyo, mga ilog

lumapad at bumabaw, mga malalaking bato at troso rumagasa,

mga bahay natabunan, tahanan nasira at ngiti naglaho.

Hinahandog ko sa inyo ang isang pagkakataon na tumulong

sa mga nasalanta ng mga bagyong ito.

GAWAD KALINGA SUMMER BUILD.

BAWAT ARAW NG BIYERNES HANGGANG LINGGO NGAYON BAKASYON

Kami'y pumupunta sa Gabaldon, Nueva Ecija

Hindi lang gumawa ng bahay, kundi ibalik din ang mga

ngiti sa kanilang mga mukha.

Ilan sa inyo, alam kong mapapaisip din kayo...

'Tangnang tong si ele, kung ano ang pinagsasabi. hindi

importante yan sa buhay...msyadong madrama...bakit ako

magaaksaya ng panahon...summer ngayon...bakasyon, dagat,

toma, pasarap...'

Kung hindi tayo aaksyon, kailan pa?

Hindi ko kayo masisi. Ang sa akin lang, makita niyo kung

saan lahat nanggagaling ang aking mga sinasabi...

Ang tunay na kahulugan ng buhay...para sa akin...

ay ang pagaalay ng sarili sa ibang kapwa. at kapag naisagawa

ko ito, darating na ang lubos na kasiyahan para sa akin-

ang magpasaya o magbalik ng mga ngiting naglaho.

Ang Gawad Kalinga-isang konkretong paraan upang tugunan ang

isang malaking problema sa bansa-kahirapan. Hindi lang

pansamantalang kaginhawaan, kundi panghabang buhay.

Sa pamamagitan ng mga bahay,

pag-asa ang naibibigay

sa pag-asa puno ng kulay,

nagkakaroon ng buhay.

Iilan lang ito sa aking mga naisip na nakuha at nahulma

sa GK Gabaldon. Ako nakapunta na sa Gabaldon apat na beses na

at ni minsan, hindi ako nagsasawang bumalik.

Paumanhin at naistorbo ko kayo sa pagbabasa nito.

Maunawaan niyo sana ang aking pinagkaka abalahan ngayon.

Sa mga interesado, at gustong makibahagi sa trabahong handog ng

GAWAD KALINGA, lalo na sa Gabaldon, Nueva Ecija,

halina't sabihan ako.

Makibahagi. Umaksyon. Magtaya. Maghatak.

Nagmamahal sa mga nangangailangan,

Martin Ele

(0917) 4212592

(02)      4343281

cloud9142000@yahoo.com

Ace Ele

(0917)  3908140

(02)      4343281

ace_ele@yahoo.com

GK-TEAM GABALDON

Para lang gumawa nito,

hindi ako Santo,

hindi ako Atenista,

hindi ako Claretiano

hindi ako kakaiba.

AKO'Y TAO LANG.

________________________________________________________________________

We ourselves think that what we are doing is just a drop in the ocean...but we must remember that the ocean would be less because of the missing drop. - Mother Theresa

Posted by martin_ele at 01:02 AM | 3 comments

April 11th, 2005

woahyeah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Posted by martin_ele at 01:10 PM | woah yeah

« Newer | »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links
Cursor by nuthinbutnet.net